Connect with us

Aklan News

KUYA, BINARIL NG KAPATID

Published

on

Sugatan ang isang lalaki matapos umanong barilin ng mismong kapatid sa Sitio Tungan, Aquino, Ibajay.

Nakilala ang biktimang si Ramil Noble, 40 anyos, at ang kapatid nitong suspek na si Ramero Noble Jr., 34 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Ibajay PNP, dumating sa kanilang lugar galing Nabas ang biktima Linggo ng hapon para bisitahin ang kanilang mga pananim na pechay, kung saan naroon din umano ang suspek.

Nilapitan umano siya nito at kinumpronta na nauwi naman sa diskusyon, hanggang sa bumunot umano ng sumpak ang suspek at binaril ang biktima na naging sanhi ng mga sugat nito sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Kaaagad naman itong dinala sa ospital, habang patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang suspek.

Samantalaa, sa panayam ng Radyo Todo sa asawa ng biktima, sinabi nito na lasi silang ginugulo ng suspek sa tuwing lasing ito.

Hiniling din niya na sumuko na ito sa mga kapulisan para pagbayaran ang kanyang kasalanan.

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.