Connect with us

Aklan News

KOTSE NA MINAMANEHO NG PULIS, NAAKSIDENTE

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang pulis matapos maaksidente ang minamaneho nitong kotse bandang alas 11:26 kagabi sa highway ng Estancia, Kalibo.

Nakilala ang pulis na naka assign sa Kalibo PNP na si PSsgt.bHansel Quinesio, residente ng nasabing lugar.


Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, galing Kalibo at papunta sa direksyon ng Banga ang biktima nang mag-swerve o umikot umano ang kotse papuntang kanan.

Iniwasan din umano nito ang isang motorsiklo, subalit bumangga naman ito sa pader at bumaliktad, bago bumangga sa poste.

Suwerte namang hindi malubha ang tinamong pinsala sa katawan ng biktima kung kaya’t tumanggi itong magpa confine sa ospital.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *