Connect with us

Aklan News

KOTSE AT RORO BUS, NAGSALPUKAN, 1 SUGATAN

Published

on

Isa ang sugatan sa aksidenteng salpukan ng Roro Bus at kotse bandang ala 1:00 kaninang madaling araw sa highway ng Cabangila, Altavas.

Base sa imbestigasyon ng Altavas PNP, papuntang Iloilo ang Roro bus, nang makasalubong umano nito ang kotse na pa zigzag ang takbo.

Minarapat umano ng driver na ihinto ang bus para hindi makabanggaan ang kotse, subali’t sumalpok pa rin umano ito doon.

Sa lakas ng pagkakabangga, kapwa nagtamo ng pinsala sa harapan ang mga nasabing sasakyan rason na nagtamo ng pinsala ang drayber sa loob ng kotse.

Kaagad naman siyang dinala sa Altavas Hospital bago inilipat sa pribadong ospital sa Kalibo.