Connect with us

Aklan News

KOLEKTOR NG ISANG LENDING COMPANY NABIKTIMA UMANO NG HOLDAP

Published

on

Buruanga- Isang lending collector ang umano’y hinold-up sa Brgy. Bil-is, Buruanga kahapon ng hapon.

Basi sa report ng Buruanga PNP nakilala Ang biktimang si Mark Kynell Sama, 22 anyos, residente ng Dumalag Capiz, at collector ng isang lending company.


Ayon Kay PMSgt. Rudy Dagohoy ng Buruanga PNP, pauwi na ang biktima matapos itong maningil sa nasabing lugar ng tinambangan ito ng dalawang hindi Pa nakikilalang suspek na armado umano ng baril at itak.

Base sa deskripsyon ng biktima kalbo ang isa sa mga suspek at ang isa ay mahaba ang buhok at tinatayang nasa 5’6 to 5’7 ang taas.

Tinutukan umano ng suspek ng baril ang biktima at kinuha ang dala nitong back pack na may lamang pera na nagkakahalaga ng P14,000.

Napag-alaman na naglalakad lang umano ang biktima ng mangyari Ang insidinte dahil iniwan nito ang dalang motor sa Sitio Bunga-Bunga Brgy. Mayapay, Buruanga di rin kalayuan sa lugar dahil sa hirap ng daan.

Ayon Pa kay PMSgt. Dagohoy, sa ngayon ay wala pa silang matukoy na suspek sa nasabing insidinte dahil wala umanong witness ng mangyari ito ay patuloy ang kanilang imbestigasyon.

Isasailalim rin umano sa masusing imbestigasyon ang nasabing biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *