Connect with us

Aklan News

KOLEKTOR, NATAGPUANG PATAY

Published

on

Patay na nang matagpuan ang isang kolektor bandang alas 7:00 kaninang umaga sa Ilang-ilang St., Andagao, Kalibo.

Kinilala itong si Daniel Acain Enopia, 36 anyos, tubong Kalilangan, San Pablo, Zamboanga Del Sur at residente ngayon ng barangay Andagao.


Base sa report ng Kalibo PNP, natuklasan na lamang kaninang umaga ng katrabaho nitong si Archem Caballero ang biktima na wala nang buhay sa loob ng kaniyang kuwarto.

Sinasabing nakadalawang laro pa ng basketball kahapon ang biktima bago uminom ng isang lapad ng alak.

Samantala, sa inisyal na imbestigasyon, wala namang nakitang foul play ang mga taga SOCO sa pagkamatay ng kolektor, maliban sa Acute Pancreatitis.

Kasalukuyan namang nakahimlay sa isang punerarya ang bangkay ng biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *