Categories: Aklan News

Kidlat at brown-out dahilan ng labis na water bill sa bayan ng Libacao

Itinuturong dahilan ng Libacao Water District ang kidlat at brown-out sa biglaang pagtaas ng bayarin sa tubig ng kanilang mga konsumidor.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Libacao SB Secretary Rey Orbista, inimbitahan umano ng 18th Sangguniang Bayan sa kanilang session noong Hunyo 13 ang pamunuan ng Libacao Water District particular ang kanilang General Manager na si Elizabeth Zubiaga at kaniyang mga Board of Directors upang pagpaliwanagin hinggil sa mataas na water bill.

Layon ng Sangguniang Bayan na magkaroon ng interaksyon sa pagitan nila ng Libacao Water District upang mabigyan-tugon ang mga ipinapaabot ng reklamo ng kanilang mga konsumidor.

Subalit hindi aniya sumipot si GM Zubiaga at sa halip ay ipinadala nito bilang kinatawan ng LWD si Mr. Armando Orbista ng accounting department at Mr. Ricky Lagalangan para sa meter reading.

Ang naging paliwanag naman ni Mr. Armando Orbista sa  ‘intermittent’ na suplay ng tubig ay una, dahil ang kanilang generator set ay hindi nag-ooperate 24/7 kung kaya’t kapag nagbrow-out ay nawawalan ng supply ng tubig ang mga konsumidor ng Libacao Water District at pangalawa, ang extension pump aniya nila ay tinamaan ng kidlat.

Samantala, ang dahilan naman kung bakit nagkaroon ng mataas na bayarin ang mga konsumidor ay dahil nagkaroon aniya ng mga unrecorded noong buwan ng Marso na hindi nag-reflect sa kanilang mga billing.

Matatandaang inulan ng batikos ang naturang local water district matapos biglang magtaasan ang bayarin sa tubig ng ilang konsumidor sa bayan ng Libacao.

Kaugnay nito, muling inimbitahan ng Sangguniang Bayan si GM Zubiaga at kanyang mga Board of Directors upang masolusyunan na ang naturang problema.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

22 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

22 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

23 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago