Categories: Aklan News

Kawatan na nanloob sa tindahan para sa gatas ng kanyang anak, huli sa patibong

Mangiyak-ngiyak na nagmakaawa ang isang kawatan matapos na mahuli sa kanyang ikaapat na tangkang pagnanakaw sa isang tindahan sa Brgy. Mobo, Kalibo.

Nagmakaawa pa ang nasabing suspek at nagpaliwanag na gatas lang sana ng kanyang anak ang kanyang kukunin.

Sinasabing matagal nang binabantayan ng may-ari ng tindahan ang suspek dahil makailang beses na itong nagnakaw doon.

Napag-alaman na sa unang beses nitong panloloob, nakuha umano nito ang isang sapatos. Sa pangalawang beses ay mga pera at sa pangatlo naman ay mga sigarilyo.

Dahil dito, naisip ng bayaw ng may-ari na maglagay ng isang patibong na gawa sa tali at lata na kapag nasagi ay tumutunog.

Dito na nahuli ang suspek kaninang madaling araw matapos nitong masagi ang tali at tumunog ang mga lata.

Dahil sa takot ay kumaripas ng takbo ang suspek papuntang taniman ng mga mais.

Kaugnay nito, nakita naman ng mga tao sa lugar ang motor ng suspek kaya kinuhaan nila ito ng ilang bahagi para hindi na makatakbo.

Bumalik naman ang suspek sa kaniyang motor at doon na ito tuluyang nahuli at dinala sa Kalibo PNP station para sa kaukulang disposisyon.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

19 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago