Categories: Aklan News

KASO NG LALAKING TINAGA NG KAPITBAHAY HABANG UMIIHI, NAUWI SA AREGLO

Kinumpirma ni PSSTG. Jameo Mondia ng Balete PNP na agad nilang naaresto ang suspek na si Russel Agihap matapos nitong tagain ang kanyang kapitbahay sa bayan ng Balete.

Matatandaaang nagtamo ng malaking sugat sa mukha ang biktimang si Marcial Protacio, 49 anyos ng Brgy. Feliciano, Balete matapos tagain ng suspek nitong Sabado ng gabi.

Kwento ng biktima, bigla na lamang siyang tinaga ng suspek na si Russel Agihap habang siya’y umiihi.

Nabatid na nagkaroon ng dating alitan ang magkabilang panig na tinitingnang motibo ng suspek sa paggawa ng krimen.

Samantala, matapos na mag=execute ng affidavit of non-interest to file a case ang biktima ay kaagad namang ini-release ng Balete PNP ang suspek.

Kasalukuyan naman na nagpapagaling sa ospital ang biktima na kailangang sumailalim sa operasyon dahil sa tinamong sugat.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

2 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

2 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

2 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

5 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago