Connect with us

Aklan News

KAPULISAN, MAY LEAD NA SA PAGPATAY SA BABAENG EMPLEYADO NG BANGKO SA NUMANCIA

Published

on

By

Photo File

May lead na ang kapulisan sa pagpatay sa babaeng empleyado ng bangko kahapon sa Sitio Looban, Brgy. Camanci Norte, Numancia.

Ayon sa imbestigador ng Numancia PNP na si Police Corporal Arjorine Mendoza, mayroon na silang dalawang persons of interest sa nangyaring krimen at nagpapatuloy pa ang kanilang hot pursuit operation.

Aniya pa, ayon sa mga saksi ng krimen, ay makikilala nila ang suspek kapag muli nila itong makita.

Matatandaaang patalikod na binaril kahapon ng riding in tandem ang biktimang si Jonalyn Maribojo, 42 anyos habang nakasakay sa traysikel.

Nagtamo ito ng multiple gunshot wounds sa kanyang katawan na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng kalibre 45 na baril na ginamit ng hindi pa matukoy na suspek.

Nabatid na matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motor na kanila ring iniwan may 300 metro ang layo sa crime scene bago lumipat sa isang kulay puting van na nagsilbing getaway vehicle.

Advertisement