Connect with us

Aklan News

KAPATID NA NAGWALA, TINAGA NG KUYA

Published

on

BANGA – Sugatan ang isang lasing na nagwala matapos tagain ng mismong kuya sa Ugsod, Banga.

Nakilala ang biktimang si Rafael Irarum, 59 anyos, at ang suspek ay ang kanyang kuya na si Joel Irarum, 63 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, bandang alas 7:00 nitong nakaraang Sabado ng gabi nang umuwing lasing ang biktima habang natutulog naman noon ang kanyang kuya.

Kasunod nito, naghapunan umano ang biktima at doon na nagsimulang magwala nang pinagtatapon nito ang kanyang pinagkainan.

Bukod dito, sinira din umano ng biktima ang kanilang pintuan at doon na nagising ang kanyang kuya.

Kinumpronta umano siya nito sa nangyari, subalit kanya naman itong hinamon ng away at sinuntok sa noo, rason naman na kumuha ang kanyang kuya ng panggapas ng tubo at tinaga ito sa tiyan.

Kaagad naman dinala sa ospital ang biktima, habang nabatid na sumuko naman kay Kagawad Mary Ann Romero ang suspek bago ito dinala sa presento ng pulis, kasama ang narekober na patalim ng suspek.

Samantala, kinumpirma naman ng Banga PNP na nakatakdang mag-areglo ngayong umaga ang magkapatid.