Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, SUGATAN MATAPOS BUMANGGA SA PICK UP

Published

on

KALIBO RIDER NG MOTORSIKLO, SUGATAN MATAPOS BUMANGGA SA PICK UP

Confined ngayon sa ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng bumangga sa isang pick up, kaninang alas 5:40 ng umaga sa highway ng Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang rider na si Jonathan Victoriano, 33 anyos ng Polo, Banga, habang nakilala naman ang driver ng Isuzu D Max pick up na si Ervie Baring, 56 anyos ng Toting Reyes St., Poblacion, Kalibo.


Todo Media Magazine

Base sa imbestigasyon ng pulis, papuntang Banga si Victoriano, subali’t bumangga sa nasabing pick-up nang mag-u-turn ito pabalik sa direksyon ng Poblacion, Kalibo.

Sanhi nito, sumemplang sa kalsada ang motorsiklo matapos bumangga sa kaliwang likuran ng pick up.

Kaagad namang dinala sa ospital ang biktima, habang dinala rin sa presento ng Kalibo PNP Station ang driver ng pick up para sa karampatang disposisyon.