Connect with us

Aklan News

Kalibo International Airport, handa na sa pagdagsa ng mga bakasyunista ngayong Holy Week

Published

on

Handa na ang Kalibo International Airport sa posibleng pagdagsa ng mga pasahero’t bakasyunista ngayong Holy Week.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Aklan manager Engr. John William Fuerte, kahit wala pang Oplan Semana Santa ay handa na ang Kalibo International Airport sa mga biyaheng lalapag sa paliparan.

“Una sa tanan, ang aton nga Kalibo International Airport ready na anytime kahit wala pa tayong Oplan Semana Santa. Meron po tayong operation plan in preparation for sa Semana Santa naton diri sa Kalibo International Airport,” wika ni Engr. Fuerte.

Dagdag pa nito, “Ang aton nga Oplan Semana Santa, maga-umpisa ina sa April 2 hasta sa April 10.”

Sa ngayon aniya ay unti-unti nang dumadami ang mga pasaherong lumalapag sa Kalibo International Airport kung saan umaabot na sa 140 hanggang 160 kumpara noong mga nakalipas na buwan na mayroon lamang 100 hanggang 120 na pasahero sa loob ng isang araw.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *