Connect with us

Aklan News

KALAHATING BAHAGI NG KULUNGAN NG BABOY SA OLD BUSWANG, KALIBO, NASUNOG

Published

on

sunog photo 4

Nasunog ang kalahating bahagi ng kulungan ng baboy sa Brgy. Old Buswang, Kalibo nito lamang gabi.

Sa pakikipag-usap ng Radyo Todo kay kagawad Leonides Esmael ng nabanggit na lugar habang siya ay nasa ikatlong palapag ng kanilang bahay ay natanaw niya umano ang nasusunog na baboyan malapit sa kanilang bahay.


Agad itong tumawag sa Kalibo Pnp dahil wala umano itong numero sa Kalibo Fire Station.

Na agad namang tinawagan ng nasabing tanggapan ang opisina ng BFP Kalibo.

Anya ito ay pagmamay-ari ni Rolme Meñez residente ng nasabing lugar.

Agad namang nagtulongan ang mga residente upang maapula ang apoy.

Sinasabing gawa sa light materials ang baboyan rason na kumapit kaagad ang apoy sa bubungan na gawa sa pawid.

Ayon sa mga nakakita hindi naman umano nadamay ang alagang baboy ng may-ari pati ang bahay nito.

Ideniklarang fire out ang sunog mga bandang 10:50.

Sa ngayon inaalam pa ng imbestigador ang pinagmulan ng apoy.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *