Categories: Aklan News

KAHERA NG RC SUPERMART AT KASABWAT, TIKLO SA PAGPAPALUSOT NG MGA GROCERIES NA WALANG BAYAD

Nabuko ang kuntsabahan ng isang kiosk vendor at kahera ng isang supermarket sa Kalibo na nagresulta sa kanilang pagkakadakip nitong Huwebes ng hapon.

Kapwa nahaharap ngayon sa kasong Qualified Theft ang empleyado ng RC Supermart na si Rejean Ruiz, 24 anyos ng Estancia, Kalibo at Nanette Flores, 39 anyos ng Brgy. Tigayon, Kalibo, Aklan.

Sa ulat ng Kalibo PNP, dakong alas-2:00 kahapon, nang maganap ang insidente sa isang kilalang supermart sa Kalibo.

Nabatid na kumuha ng groceries na may halagang P4328 ang kahera na dumaan sa counter pero nadiskubre ng mismong may-ari ng establisimento komersyal na P270 lang ang binayaran nito dahil pinunit niya ang naunang resibo.

Inamin naman ng mga suspek ang kanilang ginawa.

Handang magsampa ng kaso ang may-ari ng RC Supermart laban sa mga nadakip na suspek.

Share
Reynald Bandiola

Program/Beat: Reporter/Boracay Years/background in Media works: 10 years Why chose this profession: Passion Principle in life: “Do what You Love...

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

3 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

3 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

3 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

6 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago