Connect with us

Aklan News

KAGAWAD, SINAKSAK NG KAINUMAN

Published

on

Madalag – Nakatakdang sampahan bukas ng kasong frustrated murder ang isang lalaking sumaksak sa isang kagawad sa Talimagao, Madalag alas 12:40 kahapon ng hapon.

Kinilala ng Madalag PNP ang suspek na si Melchor Nedic, 51 anyos, na kainuman din ng sinaksak nitong Kagawad na si Raul Nillasca, 42 anyos, pawang residente ng nasabing lugar.


Base sa imbestigasyon ng Madalag PNP nabatid na magkainuman din ang biktima at suspek sa likod ng bahay ni Elmer Neval, nang bigla na lamang umanong saksakin ng suspek si kagawad nang walang anumang probokasyon.

Naitulak pa umano ng isa pa nilang kainumang si Joseph Lemuel Nabor ang suspek, subalit nadaplisan pa rin sa kanyang kaliwang likod si kagawad.

Kaagad siyang dinala sa Madalag hospital dahil sa kanyang sugat at nakalabas din kinalaunan.

Naaresto din ang suspek sa kaagad na pagresponde ng mga pulis sa lugar, at pansamantala siyang ikinustodiya sa Madalag PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Samantala, lumalabas pa sa imbestigasyon na matagal na umanong may itinatagong galit ang suspek kay kagawad sa hindi na natukoy na dahilan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *