Connect with us

Aklan News

KAGAWAD NA WANTED SA KASONG PANANAKIT, ARESTADO

Published

on

Arestado ang isang barangay kagawad na wanted sa kasong pananakit, alas 9:30 kaninang umaga sa Pusiw, Numancia.

Sa bisa ng warrant o arrest na may criminal case number 16-22 na ibinaba nito lamang Miyerkules, March 30, 2022 ni Hon. Joan Mare B. Bargas-Betita, inaresto ng Numancia PNP ang akusadong si Pusiw Barangay Kagawad Randy Reodava, 52 anyos ng nasabing lugar.

Pansamantala siyang ikinostodiya ng Numancia PNP, subali’t pansamatalang makakalaya, sa piyansang P18, 000.00

Kinumpirma naman ng naaresto na ngayong hapon siya magbabayad ng piyansa.