Connect with us

Aklan News

JAWILI BEACH AT IBA PANG TOURIST SPOTS SA TANGALAN, BUKAS NA RIN SA PAGTANGGAP NG MGA BISITA

Published

on

By

Masayang ibinalita ng LGU Tangalan na bukas na ang kanilang mga tourist spots sa pagtanggap ng mga bisita.

Base kasi sa Executive Order No. 022 ni Governor Miraflores, pinapayagan na ang unti-unting pagbukas ng industriya ng turismo sa Aklan ngayong nasa ilalim na ng General Community (GCQ) ang probinsya.


Todo Media Magazine

Dahil dito, magpapatupad ang Tangalan ng no face mask, no entry policy, 50% capacity at mahigpit na pag-obserba sa social distancing sa lahat ng establisyemento.

Binawal din ang mga pagtitipong gaya ng mga birthday at pagpupulong na mga super spreaders ng virus pati na ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.

Para matiyak na nasusunod ang mga ito, maglalagay sila ng check-point tuwing Sabado at Linggo sa daan papasok sa Jawili beach.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *