Connect with us

Aklan News

ISA SA 3 SUSPEK SA PAGPATAY SA TRAYSIKEL DRIVER NITONG SABADO SA NUMANCIA, ARESTADO NA

Published

on

By

Arestado na kagabi sa Bulwang, Numancia ang 1 sa tatlong suspek sa pagpatay sa isang traysikel driver sa Camanci nitong nakaraang Sabado ng gabi.

Nakilala ang naarestong si Jr Montallana, 20 anyos ng Bulwang, Numancia, habang nakilala naman ang 2 kasama nito na sina Jomar Palacios, at Rogie Franco, kapwa nasa legal na edad at mga taga Ilolilo.

Ayon pa sa Numancia PNP, sasampahan nila bukas ng kasong murder si Montallana, habang patuloy pang pinaghahanap ng mga pulis ang dalawa pa nitong kasama.

Subali’t sa panayam ng Radyo Todo kay Montallana, sinabi nito na wala umano siyang alam sa lakad ng dalawa niyang kasama, at iginiit na isinama lamang siya ng mga ito para kumuha umano ng kalabasa.

Nagtaka din umano ito kung bakit sa madilim na lugar sila huminto, kung saan narinig umano nito ang pagsingil ng biktima sa  pamasahe ng mga suspek.

Subali’t imbis na pamasahe, nagulat din umano siya nang makitang pinagsasaksak na ng dalawa ang biktima.

Nakita din umano nito ang biktimang sumusuko na, subali’t hindi parin ito tinigilan ng dalawa, hanggang sa humandusay.

Advertisement

Kaagad namang tumakas ang dalawa habang naiwan naman umano si lugar si Monatallana, na naglakad naman umano pauwi matapos ang insidente.

Kasalukuyan siyang nasa kostodiya ng Numancia PNP para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *