Connect with us

Aklan News

Isa patay, isa sugatan sa nangyaring shooting incident sa isla ng Boracay

Published

on

Isa ang patay habang ginagamot sa ospital ang isa pang lalaki sa naganap na shooting incident sa isla ng Boracay kaninang madaling araw.

Ito ang kinumpirma ni PLt. Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay PNP sa panayam ng Radyo Todo.

Ayon kay De Dios isolated incident lamang ang nangyari kung saan nagpapatuloy pa aniya ang kanilang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring insidente.

Saad pa ni hepe na ang sugatang biktima ay dumadaan lamang sa lugar kung kaya’t nadamay lamang ito nangyari.

Dagdag pa nito na inaalam pa ngayon ng Malay PNP ang pagkakakilanlan ng namatay na biktima dahil wala pang pamilya nagpunta para dito.

”We have two victims, yung isa nag-expired na kanina…  sa ospital namatay. Sa ngayon unidentified pa yung biktimang namatay. Wala kasing pagkakilanlan sa kanya. Second yung isa buhay, tinamaan habang dumadaan…buhay,” pahayag ni De Dios.

Samantala, dalawa ang person of interest na tinututukan ngayong mga mga kapulisan sa nangyaring shooting incident.

“Mayroon kaming dalawang person of interest pero ongoing yung follow-up operation namin and this is an isolated incident,” dagdag nito.

 

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *