Connect with us

Aklan News

ISA ANG PATAY, DALAWA ANG NAOSPITAL, MATAPOS MAKURYENTE

Published

on

File photo

Ibajay – Isa ang patay habang dalawa pa nitong kasama ang nasa ospital matapos aksidenteng makuryente bandang alas 8:40 kaninang umaga sa highway ng San Isidro, Ibajay.

Subalit hindi na muna pinangalanan ng Ibajay PNP ang mga biktima sa pakiusap narin umano ng kanilang mga pamilya.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na pawang nagtatrabaho sa Cornet Integrated Solutions ang mga biktima at nagkakabit ng kanilang concrete post nang mangyari ang insidente.

Nabatid na ang 45 anyos na driver nilang taga Dongon West, Numancia ang nag-ooperate ng boom truck habang ang 27 anyos na taga Dumga, Makato at kasama pa nitong 26 anyos naman na taga Poblacion, Makato ang umaalalay sa poste para ihulog sa hukay.

Subalit aksidenteng sumagi ang concrete post sa primary line ng AKELCO nang iaangat ito ng driver rason na unang nakuryente ang dalawa. Ililigtas umano sana ng driver ang dalawa, subalit nakuryente rin ang nasabing driver.

Kaagad dinala sa Ibajay District Hospital ang mga biktima, ngunit hindi na umabot ng buhay ang 26 anyos na taga Poblacion, Makato.

Samantala, patuloy pang nakikipag-ugnayan ang Ibajay PNP sa pamilya ng mga biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *