Connect with us

Aklan News

INUMAN NG MAG-AMA, NAUWI SA PAMAMARIL, 22-ANYOS NA ANAK SUGATAN

Published

on

Makikita sa larawan ang selda kung saan nakakulong ang suspek.

Sugatan ang isang 22 anyos na binata matapos umanong barilin ng sariling ama alas 10:20 kagabi sa Tambuan, Malinao.

Bagama’t hindi na pinangalanan ang mag-ama, nabatid sa imbestigasyon na magkasama ring nag-iinuman ang dalawa sa kanilang bahay.


Todo Media Magazine

Kinalaunan, nagtalo umano ang mag-ama sa hinid natukoy na dahilan kung saan sinasabing kumuha ng baril ang ama at binaril ng 1 beses ang anak sa kanang paa.

Kaagad siyang dinala sa ospital habang naaresto naman ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng Malinao PNP para sa karampatang disposisyon.

Narekober din nga mga pulis ang kalibre 38 baril na ginamit umano nito laban sa kanyang anak.