Connect with us

Aklan News

INSIDENTE NG LIGAW NA BALA SA LINABUAN, NORTE KALIBO, PATULOY PANG INIIMBESTIGAHAN

Published

on

Kalibo – Patuloy pa ang imbistigasyon ng Kalibo PNP kaugnay sa insidente ng ligaw na bala sa Linabuan, Norte, Kalibo.

Ayon sa Kalibo PNP, hinihintay pa nila ang resulta ng ballistic examination ng Aklan Crime Lab sa balang narekober sa isang bahay kahapon ng umaga sa nasabing lugar.


Todo Media Magazine

Sa imbistigasyon ng pulis, nakilala ang may-ari ng bahay na tinamaan ng ligaw na bala na si Mateo Robiso.

Nakita umano ni Robiso na butas na ang kanilang bubong pag gising nito kahapon ng alas 5:00 ng umaga.

Maliban dito, may nakita rin umanong bala ang kanyang asawa sa mismo nilang higaan, na kaagad din nitong ibinigay sa mga rumespondeng pulis.

Mapalad namang walang nasugatan sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *