Connect with us

Aklan News

Implementasyon ng LTO District Office Ibajay, mahabang proseso – LTO Aklan Chief

Published

on

LTO-AKLAN PRAYORIDAD NGAYON ANG INTERES NG MGA PASAHERO

IPINAHAYAG ni Land Transportation Office (LTO) Aklan chief Engr. Marlon Velez na mahabang proseso pa bago ang implementasyon ng LTO District Office Ibajay.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naglalayong magkaroon ng regular LTO District Office sa bayan ng Ibajay.

Ayon kay Engr. Velez, aabutin pa ng mahigit isa hanggang dalawang taon bago ang implementasyon dahil kinakailangan pang magkaroon ng budget para dito.

Saad pa ng opisyal, kapag nakapasok na ito sa budget hearing ay paglalaanan na ito ng pondo at saka pa lamamg magsisimula ang implementasyon.

Maliban sa pondo, kinakailangan din magkaroon ng mga bagong empleyado na mangangasiwa sa naturang district office.

Kapareho din umano ito sa Kalibo district office kung saan may isang supervising officer at 12 regular na empelyado.

Samantala, wala pang ideya si Velez kung ano ang mangyayari sa LTO office sa bayan ng Malay kung ito ba ay magpapatuloy pa o tuluyan ng i-abolish.