Connect with us

Aklan News

Iminungkahing Geriatric Medical Center para sa Aklan, naisabatas na

Published

on

Nilagdaan na ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11892 na nagsasabatas sa pagpapatayo ng Geriatric Medical Center sa Aklan.

Layon ng nasabing geriatric medical center na makapagbigay ng komprehensibo at pinagsama-samang healthcare services para sa mga senior citizens na nangangailangan ng pangangalagang pangkalusugan na kakaiba sa mga mas nakababata.

Ayon sa primary author ng nasabing panukala na si Aklan First District Representative Carlito Marquez, mas magiging madali na para sa mga senior citizens sa Aklan ang pag-avail ng mga healthcare na akma para sa kanilang pangangailangan.

“Senior citizens have specific needs, may it be either medical, psychological or social. Aging Aklanons no longer need to go to Manila to avail of such services,” ani Marquez.

Dagdag pa ni Marquez, ang pagtatatag ng AGMC ay isang paraan upang bigyang halaga ang mga mamamayang naging bahagi ng pag-unlad ng bansa.

“They were once nation builders, professionals, and tax contributors. It is imperative that we recognize that they are given the appropriate and proper healthcare. Let us give them the healthcare service they rightfully deserve.”

Ang geriatrics ay isang sangay ng medisina na ang konsentrasyon ay para sa mga matatatanda. Karaniwang pinag-aaralan dito at hinahanapan ng solusyon ay ang mga age-related medical conditions and illnesses tulad na lamang ng dementia, stroke, at Alzheimer’s Disease

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *