Connect with us

Aklan News

Ilang airline companies, nagbukas na ng flights papuntang Aklan

Published

on

Nagkaroon na muli ng mga flights ang ilan sa mga airline company papuntang Kalibo International Airport at Caticlan Airport.

Nagsimula na kahapon ang pagbabalik ng mga flights ng Cebu Pacific na may flight schedule na tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado.

Nabatid na 6 na turista lang ang sakay ng Cebu Pacific kahapon.

Ngayong araw na din magsisimula ang flights ng Air Asia tuwing Martes at Huwebes.

Samantala ang Philippine Airlines naman ay magbubukas ng flights tuwing Biyernes at Linggo simula October 4-30, 2020.

Binuksan na kahapon ang isla ng Boracay para sa mga turista mula sa General Community Quarantine areas para muling makabangon ang ekonomiya.