Connect with us

Aklan News

HUMAHARUROT UMANONG MOTORCYCLE RIDER, NASAWI MATAPOS BUMANGGA SA TRAYSIKEL

Published

on

Photo Courtesy: MDRRMO Buruanga

Isang motorcycle rider ang nasawi matapos bumangga sa kasalubong na traysikel sa Brgy. Santander, Buruanga dakong alas-2:30 hapon ng Huwebes.

Kinilala ni PMSgt. Rudy Dagohoy ng Buruanga PNP, ang biktimang si Chanzho Reoja Jr., 31 anyos ng Patria, Pandan.

Sa inisyal na imbestigasyon, mabilis umano ang pagpapatakbo ng biktima kaya pagdating sa kurbadang bahagi ng kalsada ay umapaw ito sa kanyang linya at bumangga sa kasalubong na traysikel na minamaneho ni Jufer Panganiban ng Cabugao, Pandan.

Dinala sa pinakamalapit na ospital ang biktima pero idineklara itong patay dakong alas-3:40 ng hapon.

Nabatid na may dalang helmet ang biktima pero nakasabit lang ito sa kanyang siko.

Wala namang balak na magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima sa driver ng traysikel.