Connect with us

Aklan News

HUKAY SA KALSADA KUNG SAAN NAHULOG ANG CONSTRUCTION WORKER, PROYEKTO NG NIA

Published

on

Proyekto ng NIA o National Irrigation Administratiom ang hukay sa kalsada kung saan nahulog ang isang construction worker pasado alas 11:00 kagabi sa Aquino, Ibajay na ikinamatay nito.

Ayon sa NIA-Aklan, karugtong umano iyon ng ginagawa nilang canal patawid sa kalsada kapalit ng lumang culvert doon.

Subalit, kumpleto umano ang kanilang inilagay na mga warning markers doon para sa mga dumadaan.

Samantala, ayon sa Ibajay PNP, nagkaharap kanina ang ina ng biktima at ang kinatawan ng NIA na nagsagawa rin ng kanilang imbistigasyon sa insidente.

Kinumpirma ng Ibajay PNP na wala sa impluwensiya ng alak ang biktima nang mangyari ang insidente.

Nabatid na nag-overtime umano noon sa construction ang biktima, at posibleng hindi nito alam na may hukay na pala doon pag-uwi niya.

Kinumpirma naman Ibajay PNP, na may mga signage nga doon, subalit madilim naman ang lugar.

Advertisement

Dinala pa sa ospital ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *