Connect with us

Aklan News

Hotel rate sa Boracay bagsak presyo sa nalalapit na ‘Love Boracay’

Published

on

Photo courtesy| Jonathan Cabrera on Facebook

“This is the best time to come and visit Boracay.” Ito ang pahayag ni Malay Tourism Officer Felix Gregorio Delos Santos sa panayam ng Radyo Todo.

Magandang pagkakataon aniya para sa mga lokal na turista na bumisita ngayon sa Boracay dahil maliban sa papalapit na ang inaabangang ‘Love Boracay’ ay umabot na sa 50 porsyento ang pagbaba ng rate ng ilan sa mga hotels at establisimento sa isla.

Bagsak presyo na ang ilang mga hotels at establisimento sa isla dahil sa pagbaba ng turismo na epekto ng mga travel ban sa mga bansang apektado ng sakit na Covid-19.

Ayon kay Delos Santos, ito ang napag-usapan sa kanilang pulong kasama ang Department of Tourism (DOT) at mga stakeholders nito lamang Sabado.

Ito ang naisip nilang isa sa mga paraan para ma engganyo ang mga lokal na turista na bumisita sa isla.

“We have to lower or create packages for lower rates.” Saad ni Delos Santos.

Maliban sa mga mababang rates ay inaabangan rin ang ikalawang taon ng pagdiriwang ng ‘Love Boracay’ na dati nang sikat sa tawag na ‘LaBoracay’.

Maraming aktibidad ang inihanda nila para sa Love Boracay na magsisimula sa anibersaryo ng Boracay Closure na April 26 hanggang May 3.

Nakatakda rin ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-12 ng Marso.

Umaasa ang LGU Malay na madaragdagan ang mga tourist arrivals sa isla dahil sa pagbagsak presyo at pagbisita ni Pangulong Duterte.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *