Connect with us

Aklan News

Hospital staff ng DRSTMH na covid-19 positive, posibleng unang kaso ng local transmission sa probinsya

Published

on

Photo| Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan

POSIBLENG maging kauna-unahang kaso ng local transmission sa probinsya ang kaso ng isang hospital staff ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial hospital (DRSTMH) na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon ng PHO-Aklan, walang travel history ang 22 anyos na babae na nag-positibo sa nasabing karamdaman.


Kung sakali na ito nga ay local transmission, maglalabas ng panibagong official statement ang PHO-AKLAN kaugnay nito.

Nagsasagawa na rin ng risk assessment ang Aklan Provincial Health Office para matukoy ang mga nakasalamuha ng COVID-19 positive staff na sa ngayon ay naka-quarantine na sa Aklan Training Center.

Paulit-ulit na paalala ng PHO sa publiko na sumunod sa mga health protocols at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *