Connect with us

Aklan News

Hiwalay na quarantine status sa Boracay at mainland Aklan, mungkahi ni Puyat para mapanatiling Delta-variant free ang isla

Published

on

File Photo: Diadem Paderes, Radyo Todo

IMINUNGKAHI ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Puyat na ihiwalay ang quarantine classification ng bayan ng Malay sa lalawigan ng Aklan.

Layon nitong maiwasang makapasok ang Delta Variant sa munisipalidad ng Malay para mapanatiling Delta-Variant Free ang naturang lugar.

Sa sulat na ipinadala nito kay Mayor Frolibar Bautista, nagsuhestiyon si Puyat na dapat mas higpitan pa ang border control sa bayan dahil sa mga na-detect na kaso ng Delta Variant sa mga kalapit na LGUs.

Mababatid na nakapagtala ng 21 kaso ng Delta variant o Indian variant ng Sars-CoV-2 sa probinsya ng Aklan nakaraang Agosto 23.

Naka-record ng naturang variant sa ilang bayan sa probinsya maliban sa bayan ng Malay — Sa bayan ng Kalibo mayroong 5 kaso, Numancia – 3, Banga – 2, Ibajay -2, New Washington -2, Malinao -2, Madalag – 2, Nabas – 1, Tangalan -1, Makato -1.

Samantala batay sa pahayag ng Aklan Provincial Health Office, gumaling na ang 20 kaso ng Delta variant sa Aklan habang isa naman ang nasawi.