Connect with us

Aklan News

HIGIT 35K TURISTA, BUMISITA SA BORACAY NGAYONG JULY

Published

on

Image|©Jack Jarilla

Pumalo sa 35,108 ang mga turista na pumunta sa Boracay Island sa buwan ng Hulyo.

Nangungun pa rin ang mga taga National Capital Region (NCR) sa may pinakaraming tourist arrivals batay sa datos ng Malay Tourism Office.

Sa tala, 22, 617 agad ang mula sa NCR.

Sinundan ito ng mga taga Calabarzon na may 7,739, Central Luzon na may 2,693 at iba pa mula sa ibang panig ng bansa.

Unti-unting tumaas ang tourist arrivals nitong buwan ng Hulyo.

Maging ang ilang sikat na artista gaya nina Vice Ganda, Ion Perez, Daniel Padilla, Joshua Garcia, Diego Loyzaga at Barbie Imperial ay nasa Boracay nitong July.

Inaasahan ang muling pagbaba ng bilang ng mga tourist arrivals ngayong Agosto dahil nasa ilalim na naman ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR.