Connect with us

Aklan News

HELPER SA TINDAHAN, ARESTADO MATAPOS UMANONG PAGNAKAWAN ANG KANYANG AMO

Published

on

Arestado bandang alas 10:26 kaninang umaga ang isang helper ng tindahan sa Toting Reyes St., Poblacion, Kalibo matapos umanong pagnakawan ng pera ang sariling among babae.

Ayon sa may-ari ng tindahan, saglit umano siyang naghugas ng kanilang rice cooker, subalit nagulat umano siya pagbalik nang makita ang palabas nang suspek mula sa kanilang counter.


Nakita umano nito na kumuha ng pera ang suspek mula sa kaha at ipinasok sa kanyang bulsa.

Kaagad naman niyang sinita, kung saan iniabot pa umano ng suspek ang pera sa kanya para ibalik, subalit tumanggi ang may-ari at sumigaw para matawag ang pansin ng mga katabi nitong pwesto.

Dumating naman kinalaunan ang mga pulis, at dinala sa presento ang suspek na nakilalang si Jonel Domo-os, 19 anyos ng Andagao, Kalibo, kasama ang kanyang amo upang magkaharap at maghain ng pormal na reklamo.

Narekober naman ang P900.00 na pera mula sa suspek, habang narekober din ang kanyang pitaka na naglalaman ng P3, 170.00 na pinaniniwalaang ninakaw din umano ng suspek, lalo pa’t hindi niya pa ito nasasahuran.

Ayon kasi sa kanyang amo, nakiusap sa kanya ang suspek na bukas na lang siya sahuran para maypanghanda siya sa kanyang birthday sa darating na Biyernes.

Kaugnay nito, inaresto ang suspek at pansamantalang ikinustodiya ng Kalibo PNP para sa karampatang disposisyon.

Nabatid na dalawang buwan palang na nagtatrabaho doon sa kanyang tindahan ng mga animal feeds at fertilizer ang suspek, subalit kumupit rin umano ito dati sa tindahan, na kanya namang pinatawad sa paniniwalang magbabago ito.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suespek sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *