Connect with us

Aklan News

HALOS 20K NEW REGISTERED VOTERS, HUMABOL SA EXTENDED VOTER’S REGISTRATION NG COMELEC SA AKLAN

Published

on

Photo file: Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan 88.5 fm

Tinatayang aabot hanggang sa 20, 000 mga new registered voters ang humabol sa extended registration ng Commission on Election (COMELEC) Aklan nitong Sabado, Oktubre 30.

Sa panayam kay Comelec-Aklan Spokesperson Crispin Raymund Gerardo, sinabi nitong ikinagulat nila ang nasabing numero ng mga nagparehistro dahil karamihan sa mga ito ay mga new registrants.

Aniya, nangangahulugan lamang na marami pa ang mga hindi rehistrado at sinunggaban na nila ang pagkakataong magparegister dahil sa ibinigay na extention ng Comelec.

Dagdag pa nito na naging mas madali din para sa mga nagpa-rehistro ang pagbibigay nila ng form upang sa kani-kanilang bahay na lamang magfill-up ng form upang maka-iwas rin sa posibilidad ng hawaan ng COVID-19.

Samantala, nanawagan naman si Gerardo sa mga aspirants na personal na magtungo sa kanilang comelec offices upang i-verify ang kanilang mga pangalan na lalabas sa mga balota sa darating na 2022 National and Local Elections.

Ayon kay Gerardo na ipinalabas na nang COMELEC Law Department ang listahan ng mga Name to Appear in the Ballot para sa darating na halalan.

Bibigyan umano ang mga kandidato ng isang Linggo o hanggang sa Nobyember 18 upang masigurong tama ang kanilang mga pangalan na nakasulat sa balota.

Advertisement

Binigyan-diin din nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang pangalan at numero sa balota dahil ito umano ang gagamitin ng mga kakandidato sa kanilang kampanya na siya namang isusulat ng mga botante sa kanilang balota sa darating na election.