Connect with us

Aklan News

HABAL-HABAL DRIVER, NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG KANYANG BAHAY

Published

on

Altavas – Patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay pasado alas 12:00 kaninang hapon ang isang habal-habal driver sa bayan ng Altavas.

Base sa report, tanghaling tapat na nang mapansin ng kanyang pinsan na
hindi lumabas ng kanyang bahay ang biktima para mamasada, kung kaya’t tinawag nila ito.

Hindi umano sumasagot ang binata, kung kaya’t sinilip ng kanyang pinsan ang kawayang dingding ng bahay at doon nakitang hindi ito gumagalaw.

Isa pa nilang kaanak ang nagdesisyong sirain ang kawayang poste ng dingding para mabuksan ang lock ng pintuan hanggang makapasok sila at malamang patay na ang biktima.

Kaagad din silang tumawag ng pulis na siyang nag-imbistiga sa insidente, subalit nakumpirmang wala namang foul play sa pagkamatay nito.

Nabatid na bandang alas 7:00 kagabi nang huling makita ang binata na nagluto at naghapunan pa bago natulog.

Kasalukuyan namang nasa isang puneraya ang labi ng biktima na naisailalim narin sa post mortem examination.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *