Connect with us

Aklan News

Guwardya ng RD Pawnshop, person of interest sa pagpatay kay Ambay

Published

on

By

Itinuturing na person of interest sa pagpatay kay Bonna Hercia Ambay, 23 anyos na branch manager ng RD Pawnshop ang security guard na si Mark Archie Torriefiel.

Ito ang kinumpirma ni PMaj. Jasson Belciña sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo, “Ang aton nga person of interest is do anang guwardiya nga si Mark Archie Torrefiel”.

Batay sa kuha ng CCTV na si Torriefiel ang ang huling lumabas ng pawnshop dakong alas-5:30 noong Linggo, June 5, 2022.

Bitbit nito ang kanyang service firearm na .38 revolver na pagmamay-ari ng Lion Heart Security Agency.

Nakita rin siyang sumakay ng dilaw na traysikel mula sa RD pawnshop pauwi sa Brgy. Cajilo, Makato kung saan siya nakatira.

Batay pa sa imbestigasyon, walang anumang mahahalagang items na nawawala sa pawnshop.

Pero narekober sa crime scene ang ilan sa mga gamit ng biktima, kutsilyo na may habang 21 sentimetro at uniform ni Torriefiel na may bakas ng dugo.

Ayon kay Belciña, nakaalis na si Torriefiel sa kanilang tinitirahan dala ang kaniyang pamilya kahapon dakong alas-6:00.

Iniimbestigahan pa ng mga otoridad kung ano ang motibo sa krimen.