Connect with us

Aklan News

GUNMAN NA BUMARIL-PATAY SA BANKER NA SI JHONALYN MARIBOJO, POSIBLENG PROFESSIONAL HITMAN AYON SA AKLAN PPO

Published

on

Nakitaan ng Aklan Police Provincial Office o APPO ng pattern ang execution sa pagpamatay sa banker na si ginang Jhonalyn Maribojo na posibleng professional hitman ang bumaril-patay sa biktima.

Ayon kay Aklan Provincial Police director Colonel Ramir Perlito Perlas kung professional hitman ang bumaril sa biktima ay posibleng may nag-utos dito upang gawin ang nasabing krimen.

Ito aniya ang kanilang nakita sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa kung ano ang totoong motibo at kung sino ang nasa likod sa pagpapatay sa biktimang si ginang Maribojo.

Pahayag pa ni Perlas na hindi sila titigil sa paghahanap sa iba pang mga suspek sa pagpatay sa biktima kasunod ng paglantad ng pangalan sa itunuturong gunman na si Bernie Tipay, 40 anyos ng Navitas, Numancia at iba pang kasama nito.

Dagdag pa nito na hindi nila nililimitahan sa tatlo ang mga suspek dahil malaki aniya ang posibilidad na madadagdagan pa ito.

Sa oras aniyang may maaresto na sila ay posibleng mayroon pang lalabas na sangkot sa krimen.

Samantala, inihayag ng opisyal na ang lahat aniyang may alam at may kinalaman gayundin ang mga kasama sa pagplano sa krimen ay siguradong sangkot at mananagot sa batas.

Advertisement