Connect with us

Aklan News

GRASS FIRE, UMUSBONG SA BUNDOK SA JAWILI, TANGALAN

Published

on

Ikinabahala ng mga residente ng Jawili, Tangalan maging ng mga netizens ang nangyaring grass fire doon sa bundok bandang alas 6:30 kagabi.

Bagama’t narating ng mga bombero ang lugar, aminado naman BFP Tangalan na walang nangyaring fire fighting o pag-apula ng apoy sa pamamagitan ng tubig dahil hindi na ito maabot ng kanilang hose.


Todo Media Magazine

Sa kabila nito, binantayan parin umano nila ang sunog kasama ang ilang barangay official, mga tanod at residente sa lugar upang hindi na kumalat, hanggang kusa itong namatay pasado alas 12:00 ng hatinggabi.

Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, kinumpirma din ng BFP Tangalan na walang nagkakaingin sa lugar na posibleng pinagmulan ng sunog.

Wala namang napaulat na nasugatan o ari-ariang napinsala sa nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *