Connect with us

Aklan News

Gov. Miraflores, naglabas ng EO ukol sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa mga outdoor settings

Published

on

By

Bilang pagtalima sa Executive Order No. 3 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. naglabas na rin ng Executive Order ang Aklan Provincial Government kaugnay sa opsyonal na pagsusuot ng facemask sa pampublikong lugar at open spaces.

Batay sa EO number 027, nananatili pa rin sa Alert level 1 ang probinsya ng Aklan at nasa 95.94% na ng populasyon ang fully vaccinated laban sa nakamamatay na COVID-19.

Kaya pinapayagan na ang boluntaryong pagsusuot ng facemask sa outdoor areas na may maayos na bentilasyon.

Pero pagdating sa mga pampublikong transportasyon at iba pang outdoor settings na hindi kayang panatilihin ang physical distancing ay kailangan pa rin na magsuot ng facemask.

Samantala, ang mga senior citizen, may mga sakit at hindi pa fully vaccinated na mga indibidwal ay hinihikayat pa rin na magsuot ng face mask.