Connect with us

Aklan News

GF sinuntok ng jowa matapos makitang hinalikan ito ng kanyang ex

Published

on

By

Sinuntok ng isang LGBTQ member ang kanyang kasintahan matapos na makitang hinalikan ito ng kanyang ex sa isang bar kagabi sa may Jaime Cardinal Sin Avenue, Andagao, Kalibo.

Batay sa report ng pulisya, nakita ng inirereklamo ang kanyang GF na hinalikan sa noo ng dating kasintahan nito.

Dahil sa naramdamang selos, binasag nito ang hawak na bote ng inumin.

Pero mas lalo pang nadagdagan ang pagseselos nito nang lumapit sa kanyang GF ang isang bouncer para sabihin na P65 ang bayad sa binasag na bote.

Dito na niya hinila palabas ng bar ang kanyang girlfriend at saka sinuntok sa tiyan.

Sumigaw at humingi naman ng tulong ang biktima sa kanyang dating kasintahan hanggang sa sumakay sila ng traysikel palayo sa lugar.

Pero sinundan pa sila ng inirereklamo hanggang sa may Roxas Avenue Extension, Andagao kung saan nagkaroon pa ng komosyon.

Ini-report ang insidente sa kapulisan at ini-refer naman sa Brgy. Justice System ang kaso.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *