Connect with us

Aklan News

FISH VENDOR BINARIL PATAY

Published

on

Malay, Aklan – Dead on arrival sa Malay District Hospital ang isang fish vendor matapos barilin Sabado ng gabi sa Sitio Tabon Baybay, Brgy. Caticlan, Malay.

Nakilala ang biktimang si Marcial Arguilles, 54 anyos, tubong Masbate at presenteng naninirahan sa nasabing lugar.

Nakilala ang suspek na si Ponciano Tayco, 45, ng Pob. Ibajay at kasalukuyan ring naninirahan sa Sitio Tabon, Brgy. Caticlan, Malay.

Basi sa inisyal na imbestigasyon ng Malay PNP na habang naghahanda na para matulog ang biktima ng makarinig ito na may sumisigaw sa labas ng kanyang bahay dahilan para ito lumabas it tinanong ang suspek kung anu ang kanyang sinisigaw.

Pinagbibintangan umano ng suspek ng biktima na baka ito ang bumato sa bahay nito at kaagad na binaril ang biktima na tinamaan sa dibdib.

Bulontaryo namang sumuko sa Malay PNP ang suspek pati na ang armas nitong ginamit sa nasabing krimen

Pansamantala ngayong nakakulong sa PCP 4 Caticlan ang suspek habang inihahanda pa ang karampatang kaso laban sa kanya

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *