Connect with us

Aklan News

FALLEN HERO NG MADALAG NA NASAWI SA ENGKWENTRO NG MILITAR AT NPA, IPAGHIHIHANTI NG PH ARMY

Published

on

Ipaghihiganti umano ng Philippine Army ang pagkamatay ni Private First Class Mark Nemis pagkatapos ng COVID-19 crisis.

Si Nemis ay 24 anyos na tubong Barangay Galicia, Madalag, Aklan at miyembro ng 301st Infantry Brigade.

Nasawi si Nemis sa naging sagupaan ng tropa ng pamahalaan at New People’s Army kahapon sa Sitio Aguilan, Panuran, Lambunao, Iloilo.

Ayon kay Captain Cenon Pancito III, Spokesperson sang 3rd Infantry Division, nagroronda ang tropa ng 301st IB at nagsasagawa ng information dissemination ukol sa COVID-19 nang maganap ang sagupaan.

Kinundena ng Philippine Army ang naging aksyon ng NPA sa kabila ng pagdeklara ni Presidente Rodrigo Duterte ng ceasefire dahil sa COVID-19 threat.

Hindi pa matanggap ng pamilya ng biktima ang nangyari at labis ngayon ang kanilang pagdadalamhati.

Naiwan ni Nemis ang kanyang misis at ang kanilang batang anak na babae.