Connect with us

Aklan News

EXCLUSIVE!!! LALAKING NAGBENTA NG BARIL, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION

Published

on

EXCLUSIVE!!!-LALAKING-NAGBENTA-NG-BARIL,-ARESTADO-SA-BUY-BUST-OPERATION-photo

Makato — Arestado sa isang buy bust operation bandang alas 4:00 nitong hapon sa Calangcang, Makato ang isang lalaking nagbenta umano ng baril.

Sa joint operation ng Aklan Provincial Intelligence Unit, CIDG Aklan, Provincial Highway Patrol Team at Makato PNP, naaresto ang suspek na si Samuel Tacud Francisco, 48 anyos ng Silakat Nonok, Lezo.


EXCLUSIVE!!!-LALAKING-NAGBENTA-NG-BARIL,-ARESTADO-SA-BUY-BUST-OPERATION-photo-2

Narekober mula sa kanya ang isang 12 gauge shut gun at 3 bala nito, at isang magazine kapalit ng P7,000.00.

Nang makapanayam ng Radyo Todo, inamin ni Francisco na ibinenta niya ang nasabing baril para pambili ng bigas at gamot.

Hindi naman umano niya ito ginagamit at ibinenta lamang din umano ito sa kanya noon.

Samantala, kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Makato PNP habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591 o Illegl Possession of Firearms and Ammunition na isasampa laban sa kanya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *