Connect with us

Aklan News

EX-KAGAWAD, NAKURYENTE PATAY

Published

on

Tangalan – Dead on arrival sa ospital ang isang dating barangay kagawad matapos makuryente bandang alas 3:30 kaninang hapon sa Baybay, Tangalan.

Kinilala ng Tangalan PNP ang biktimang si Jose Rod Villaco Taladtad, 52 anyos at dating kagawad ng nasabing lugar.


Base sa imbestigasyon ng Tangalan PNP, pinakiusapan umano ang biktima ni Elmer Argote, caretaker sa bahay ni Josephine Viola, na ayusin ang service drop ng AKELCO doon, subalit aksidente umano itong nakuryente habang idinudugtong ang naputol na linya ng kuryente.

Kaagad umano siyang dinala sa ospital, subalit hindi na umabot nang buhay.

Nabatid base pa sa imbestigasyon na nakapaa lamang habang nakatayo sa lupa ang biktima nang mangyari ang insidente.

Nagsilbi bilang kagawad ang biktima sa loob ng 3 termino, at siya rin umano ang madalas na tawagin sa kanilang lugar para ipagawa ang mga problema sa kuryente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *