Connect with us

Aklan News

ESTUDYANTE, SINAKSAK NG TANOD

Published

on

Banga – Sugatan ang isang estudyante matapos umanong saksakin ng barangay tanod bandang alas 11:45 kagabi sa Ugsod, Banga.

Nakilala ang biktimang si John Eric Gumban Dela Cruz, 18 anyos ng Dingle, Banga, at ang suspek na tanod na si Norman Nator Isulda, 29 anyos ng naunang nabanggit na lugar.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, may benefit dance o sayawan doon kagabi kung saan naroon ang biktima at mga barkada nito.

Subalit sinita umano ang mga ito ng tanod dahil sumasayaw na ang grupo sa roof top na bahagi ng pavement ng barangay.

Sa halip na sumunod, ininsulto pa umano nila ang tanod, rason na lumabas ito at hinubad ang kanyang uniporme at bumalik sa loob ng sayawan.

Kasunod nito, nilapitan umano ng suspek ang biktima at sinaksak sa likod at tiyan, at tumakas.

Kaagad namang dinala sa ospital ang biktima, habang nabatid na sumuko sa Malinao PNP station ang suspek at doon kinuha ng mga taga Banga PNP upang ikustodiya.

Nabatid na nakainom din ang nasabing tanod nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *