Connect with us

Aklan News

ESTUDYANTE, NAMATAY NANG MATUHOG NG KAWAYAN SA LEEG

Published

on

Kalunos-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang motorista sa Poblacion, Lezo nang matuhog ito ng kawayan sa kanyang leeg habang nakamotor kaninang alas-6 ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Joshua Clarence Mauricio, grade 12, at residente ng Banaybanay Bliss, Malinao, Aklan.


Sakay ng biktima ng motor nang bumangga sa isang top down na may kargang kawayan na tumusok sa kanyang katawan.

Batay sa inisyal na report, magkasunod lamang ang dalawang sasakyan papunta sa Poblacion, Lezo ngunit pagdating sa pakurbadang bahagi ng daan sa Lezo ay hindi agad nakapagpreno kaya natusok ng dulo ng kawayan.

Mabilis na dinala ang biktima sa ospital ngunit hindi na ito nakaabot pa ng buhay.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *