Connect with us

Aklan News

ESTUDYANTE, ARESTADO SA DRUG BUY BUST OPERATION

Published

on

Kalibo, Aklan – Arestado sa buy bust operation bandang alas 4:40 kaninang hapon sa Oyotorong St., Poblacion, Kalibo ang isang estudyanteng tulak umano ng ilegal na droga.

Narekober mula sa suspek na si Jerenz Dizon Abuel, 18 anyos ng Nalook, Kalibo ang isang plastic sachet ng pinaniniwalaang dahon ng marijuana kapalit ng P1,000.00 na buy bust money.


Ayon Kay PMajor Frensy Andrade ng Aklan PDEU o Provincial Drug Enforcement Unit, nitong nakaraang October 2019 pa nila minomonitor ang aktibidad ng suspek matapos lumapit sa kanila ang isang nanay ng isang highschool student na parokyano ni Abuel.

Ayon pa kay Andrade, nagsumbong umano sa kanila ang nanay matapos mabasa nito sa cellphone ang tungkol sa pakikipagtransaksyon ng suspek ng ilegal na droga sa kanyang anak.

Itinanggi naman ng suspek ang mga narekober sa kanyang droga at pera.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Samantala, sinabi pa ni Andrade na nasa tatlong eskwelahan sa Kalibo ang pinagbibentahan ng suspek ng ilegal na droga.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *