Connect with us

Aklan News

Electric wire, ninakaw sa isang construction site sa Boracay

Published

on

Ninakaw ng hindi nakilalang suspek ang humigit-kumulang 60 metro na electrical wire sa isang construction site sa Sitio Cagban Bobon, Brgy. Manocmanoc, Boracay, alas 8:00 ng umaga kahapon.

Ayon sa nagrereklamong project engineer na si Niel Bryan Himagan Ofril, 22 anyos, tubong Marilao Bulacan at kasalukuyang nakatira sa Sitio Cabanbanan, Brgy Manocmanoc Boracay, binisita nya umano ang Construction Site kahapon ng umaga at doon na nya nadiskobrehan na nawawala ang electric wire na gagamitin sa ginagawang building nito.


Wala din umanong nakitang kahina-hinalang tao ang kanyang mga tauhan doon na posibleng kumuha nito.

Dahil dito, minabuti na lamang ni Ofril na ipaabot sa himpilan ng Boracay Pnp ang insidente para sa kaukulang imbestigasyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *