Connect with us

Aklan News

EDAD 18 PABABA SA AKLAN, BAWAL NANG LUMABAS SA KANILANG BAHAY SIMULA BUKAS, HUNYO 22

Published

on

BAWAL NANG LUMABAS ang edad 18 pababa simula bukas, Martes, Hunyo 22 batay sa inilabas na Executive Order ni Gov. Joeben Miraflores.

Patuloy namang ipinagbabawal ang paglabas ng 65 anyos pataas, at mga immunodeficiency, comorbidity individuals maging ang mga buntis.

Samantala, papayagan namang lumabas ang bibili ng essential goods, essential services at may health o medical reasons.

Ipinatupad ang nasabing hakbang dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa probinsiya ng Aklan.

Kahapon, Linggo, nakapagtala ang probinsiya ng 110 kaso ng COVID-19.

Ito ang unang beses na sumirit sa higit 100 ang naitalang active cases sa Aklan sa loob ng isang araw simula ng pandemya.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *