Connect with us

Aklan News

DRUG SURRENDEREE, ARESTADO SA BUY BUST

Published

on

Numancia – Arestado bandang alas 7:20 nitong umaga sa buy bust operation sa Camanci, Norte, Numancia ang isang lalaking drug surrenderee.

Nakilala ang suspek na si Grace Rembulat, 52 anyos ng Pusiw, Numancia.


Sa nasabing buy bust operation na ikinasa ng Numancia PNP, narekober ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng P2,500.00 na buy bust money.

Narekober naman sa isinagawang body search ang mahigit P5,000.00 na pera at kanyang cell phone.

Samantala, bagama’t itinanggi nito ang mga suspected shabu at buy bust money, aminado naman ang suspek na naging drug surrenderee siya sa kasagsagan ng TOKHANG ng gobyerno kontra ilegal na droga noong 2016.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Numancia PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *