Connect with us

Aklan News

Driver ng jeep na nakabangga-patay sa isang motorcycle rider sa Nabas kinasuhan na

Published

on

By

Kasong Reckless Imprudence resulting to homicide and damage to property ang kahaharapin ng driver ng jeepney na nakabangga-patay sa isang rider ng motorsiklo kahapon sa Nabas, Aklan.

Kinilala ang driver ng jeep na si Jose Marcelino Jr., 67 anyos ng Ivisan, Capiz.

Kinilala naman ang nasawing motorcycle rider na si Melchor Gaira, 40-anyos na taga Naile, Ibajay.

Batay sa imbestigasyon, magkasunod lang ang jeep at motor na kapwa papunta sa Caticlan.

Pero pagdating sa may kurbadang daan, huminto ang biktima dahil may landslide sa unahang bahagi ng kalsada.

Doon siya aksidenteng nabangga ng jeep at tumilapon sa gilid ng kalsada.

Matinding pinsala sa katawan ang tinamo ng biktima kaya binawian ito ng buhay.

Ikinustodiya naman sa Nabas PNP station si Marcelino para sa karampatang disposisyon.